Tiniyak ng iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Batangas na handa sila sakaling itaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Ayon kay Agoncillo Mayor Daniel Reyes, handa ang kanilang evacuation centers sa Balayan, Calatagan, San Luis at Batangas City sakaling lumala ang pag-aalburuto ng bulkan.
Nasa 15 pamilya naman mula sa Agoncillo ang pansamantalang nanatili sa bayan ng Alitagtag kagabi pero umalis din kaninang umaga para maghanap ng mauupahang bahay.
Sabi ni Mayor Edliberto Ponggos, bagama’t hindi pa ramdam sa Alitagtag ang epekto ng pagsabog ng Bulkan kahapon ay inalerto na nila ang anim na barangay posibleng paglikas.
Nananatili namang kalmado ang sitwasyon sa bayan ng Talisay at walang nararanasang ashfall at lindol maliban sa volcanic smog.
Pero sabi ni Talisay Mayor Gerry Natanauan, sakaling lumala ay handa na rin ang kanilang evacuation centers sa Santo Tomas, Batangas at Cavite.
Samantala, limang coastal barangays –– dalawa sa Agoncillo at tatlo sa Laurel –– ang isinailalim na sa forced evacuation.