Pinagmulta ng P25,000 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang contractor ng Metro Rail Transit 7 dahil sa excavation works sa Quezon City na nagresulta sa matinding trapik.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager Roberto Almadin, bigo ang contractor na EEI Corporation na makipag-ugnayan sa mga otoridad ukol sa ginawang pagbubungkal sa kanto ng Elliptical Road at Quezon Avenue.
Bukod rito, inutos din ng MMDA na agad itigil ng contractor ang mga aktibidad nito sa kanilang project site.
Inutusan din ang EEI na magpadala ng mga kinatawan sa ahensya sa loob ng 24 oras matapos matanggap ang utos.
Ang MRT 7 project, na bahagi ng P8 trillion infrastructure program ng gobyerno ay inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2019.
Facebook Comments