Convoy ng Regional Highway Patrol Group ng ARMM, tinambangan sa Lanao Del Sur

Lanao Del Sur – Tinambangan ang grupo ng Regional Highway Patrol Unit ng ARMM sa lalawigan ng Lanao Del Sur kahapon.

Sa panayam ng RMN Cotabato kay SPO4 Tajeno Regional Executive Senior Police Officer ng RHPU, una rito ay may nasabat silang anim na carnap na motorsiklo at dalawang SUV sa ikinasa nilang checkpoint.

Sa kanilang pagbalik sa kanilang headquarters sa Cotabato City bitbit ang mga nakumpiskang sasakyan at nahuling personalidad, ay tinamabngan sila ng hindi bababa sa limang armadong lalaki.


Sa kabutihang palad ay wala namang nasaktan sa kanilang panig.

Facebook Comments