Pagpapabilisin ng procurement process para sa medical facilities ng mga sundalo, ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa DOH

78

Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na pabilisin ang procurement process para sa medical facilities ng mga sundalo.

Sinabi ito ng Pangulo kasabay ng pangunguna niya sa ika-120 anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Duterte, kinausap na niya si DOH Secretary Paulyn Ubial hinggil dito.


Bukod sa mga pasilidad at ospital, muli ring tiniyak ng Pangulo na matutuloy ang 50-bilyong pisong trust fund na ipinangako nito sa mga sundalo.

Facebook Comments