Pinaigting na kampanya kontra droga, ipinatupad ngayon ng PNP, PDEA at AFP sa lalawigan ng Camarines Sur

Camarines Sur – Ipinatupad ngayon ng Philippine National Police, PDEA at taskforce ng AFP, ang Oplan Double Barrel Reloaded sa bayan ng Gua.

Unang inaresto itong suspek na si Harold Gallego na umano’y tulak ng droga matapos magpalabas ng warrant of arrest kung saan ito ay unang naiharap na rin sa kasong rape.

Samantala ikinasa rin sa kalapit na bayan ng naturang lalawigan ang search warrant kung saan naaresto si Sherwin Canupit sa kaso ng paggamit ng iligal na droga.


Arestado rin sa Camarines Sur sina Sherwin Seryo at Melvin Seryo kaugnay pa rin sa ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments