Saturday, October 24, 2026

Coordinated intelligence and financial investigation, kailangang ikasa laban sa reports na popondohan ng natitirang POGO operators ang 2028 elections

Kailangang bumuo ang intelligence units ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang coordinated intelligence and financial investigation katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Commission on Elections (COMELEC) at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ayon kay House Prosecution adviser and trial spokesman Ace Barbers, ito ay para imbestigahan at bantayan ng mahigpit ang pagkilos ng mga natitirang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para pondohan ang 2028 presidential and local elections.

Mungkahi ito ni Barbers sa ating civilian, military and security authorities kasunod ng report ni PAOCC spokesperson Winston Casio na may mga POGO operators ang gagamit ng kanilang salapi para impluwensyahan ang May 2028 elections.

Ito ay para maipanalo sa darating na halalan ang mga politiko na magbibigay ng proteksyon sa kanilang iligal na operasyon at mga aktibidad.

Binigyang-diin ni Barbers, na dating Chairman ng House Quad Committee na nag-imbestiga sa POGO, walang puwang sa ating halalan ang perang galing sa krimen at walang kandidatong dapat magbenta ng proteksyon kapalit ng pondo mula sa mga sindikato.

Facebook Comments