Muling pinagana ng Philippine Navy at Indonesian Navy ang joint border patrol sa maritime boundaries ng dalawang bansa.
Ito’y matapos na matigil ng ilang taon dahil sa pagsasara ng borders ng dalawang bansa dahil sa pandemya.
Ang Coordinated Patrol ng Philippines at Indonesia (CORPAT PHILINDO) ay muling inilunsad sa pamamagitan ng simpleng opening ceremony sa Swiss-Belhotel Maleosan, Manado, Indonesia.
Ang CORPAT PHILINDO joint border partrol ay isinasagawa ng apat na beses isang taon bilang pangontra sa piracy, illegal crossing at iba pang mga kriminal na aktibidad sa karagatan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Lt. Gen. Greg Almerol na ang CORPAT PHILINDO ay dinisenyo para mapahusay ang interoperability at kooperasyon ng Philippine at Indonesian Navy.
Sa pagkakataong ito, ang KRI Ajak-653 ng Indonesian Navy at BRP Ramon Alcaraz PS-16 ng Philippine Navy ang nagsama sa joint border patrol.