Alicia, Isabela- Tiwala si Alicia Chief of Police Darwin John Urani na malaki ang maitutulong ng Sanguniang kabataan sa kanilang puspusang kampanya kontra Iligal na droga.
Sa ibinahaging Impormasyon ni Police Senior Inspector Urani sa RMN Cauayan sa Programang Sentro Serbisyo, sinabi nito na karamihan umano sa mga nabibiktima ng iligal na droga ay mga kabataan kaya’t maglulunsad umano sila ng programang makatutulong upang mabantayan ang mga kabataan katuwang ang mga Sanguniang Kabataan (SK) sa kanilang bayan.
Aniya, isa umano sa kanilang isusulong ay ang Physical Program kung saan naniniwala si PSI Urani na matutulungan sila ng mga Sanguniang Kabataan sa pagsagip ng mga kabataang nawawala sa tamang landas dahil sa maling kaibigan, kapaligiran at naiimpluwensyahan ng droga.
Sa ngayon ay makikipag ugnayan na umano sila sa SK Federation Presidents at mga Chairmans sa bawat barangay upang maumpisahan na ang naturang programang makatutulong upang mahikayat ang bawat kabataan na umiwas sa droga at sa pangunguna ng mga SK ay mabantayan ang mga kabataan sa kanilang bayan lalo na ang mga out of School Youth na kadalasang nasasadlak sa droga at maling gawain.
Samantala, kasabay naman nito ay ang pagtutok at pagbabantay ng kapulisan sa seguridad ng mga mag-aaral sa elementarya at patuloy naman ang pagpapaalala nila sa mga ito na umiwas sa mga hindi kakilalang taong lumalapit sa kanila upang maiwasan naman ang kidnaping incident.
Tiwala naman si PSI Urani na magiging matagumpay at maayos ang kanilang gagawing pakikipag-ugnayan upang maisulong ang kanilang bagong programa sa kanilang bayan.