Cauayan City, Isabela- Pormal nang lumagda sa kasunduan si Agriculture Secretary William Dar kasama ang pamunuang Lungsod ng Ilagan sa Isabela kaugnay sa itatayong ICORN Complex sa syudad.
Ito ang kauna-unahang CORN Complex sa buong Cagayan Valley na nagkakalahaga ng P270 million pesos kung saan inaasahan na makapagbibigay ito ng world class finished products at maraming trabaho sa mga residente.
Inaasahan na matutulungan at makikinabang sa CORN Complex ang tinatayang 20,000 na mga magsasaka mula sa Lungsod ng Ilagan at sa buong probinsya ng Isabela.
Paliwanag ng Kalihim, nararapat lamang na magkaroon ng isang CORN Complex ang Isabela dahil kinilala ng Department of Agriculture ang Lungsod ng Ilagan bilang Corn Capital ng bansa.
Isinabay ang ceremonial signing ng MOU kasabay ang pagpapasinaya naman sa kauna-unahang Swine Breeding Complex sa buong Northern Luzon kung saan ang LGU Ilagan at isang private Company mula sa Thailand ang magkatuwang sa nasabing proyekto.
Kinilala rin ng Kalihim ang pagiging masipag at matiyaga ng mga magsasaka sa probinsya kung saan nagbigay ito ng tulong para sa mga farmers at fisherfolks sa Isabela na aabot sa halos P1 Bilyong piso.