*Corporate Social Responsibility ng iFM Cauayan, Naging Matagumpay!*
*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa 35,000 CC o katumbas ng 70 bags ng dugo ang matagumpay na nalikom sa katatapos na Bloodletting Activity ng 98.5 iFM Cauayan, bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility na isinagawa ng RMN Foundation katuwang ang Philippine Red Cross-Isabela Chapter.
Sa naging panayam ng 98.5 Ifm Cauayan kay Ginang Joyce Quilang, Blood Services Representative ng PRC-Isabela Chapter, laking pasasalamat niya sa naging kooperasyon ng ilang mga indibidwal at grupo para sa pagbabahagi ng dugo sa nasabing aktibidad.
Dagdag pa aniya na napakalaking bagay umano ang nasabing aktibidad ng istasyon upang makalikom ng dfagdag nba supply ng dugo dito sa isabela dahil malaki umano ang pangangailangan ng dugo sa lalawigan lalo na sa mga regular na may sakit gaya ng mga nag dadialysis.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang Philippine Army, PNP Cauayan, PNP-RTC Trainees, Reservist, mga indibidwal at ilang mga pribadong organisasyon gaya ng RGI Alakdan Guardians, SM City Employees,TODA, PMI at iba pa.
Pinasalamatan naman ng buong staff ng iFM Cauayan sa pangunguna ni Ginoong Chris Estolas ang lahat ng nakibahagi lalo na ang mga matagumpay na nakapagbigay ng dugo, bagamat may mga hindi pinalad na nakapag donate dahil sa ilang mga kadahilaan ngunit sila’y naging masaya at handa na tumugon sa panawagan ng ating stasyon tungkol sa naturang aktibidad.