May mga magulang na sa lungsod ang nagpatala kaagad ng kanilang mga anak sa unang araw ng pag-arangkada ng early registration nitong araw ng Sabado para sa papasok na estudyante sa pampublikong paraalan para sa darating na school year 2020 – 2021.
Sa panayam ng DXMY kay City Schools Division Admin Officer Johnny Balawag, bagamat naka-ugalian na ng marami na sa huling araw na nagpapatala, may mga magulang pa rin namang sinamantala ang pagpapatala ng kanilang mga anak sa unang araw pa lamang.
Sakop ng naturang early registration ay ang mga mag-aaral na papasok sa Kinderarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.
Magtatapos sa March 6, 2020 ang maagang pagpapatala.
Sinabi ni Balawag na ang layunin ng early registration ng Department of Education ay matukoy at mapaghandaan ng kagawaran ang dami ng bata na papasok sa susunod na taon at malaman ang kinakailangang budget para sa rito.
Ang mga kailangang magparehistro ay mga estudyanteng papasok sa kindergarten, grade one, junior at senior high school.
Kasama rin ang transferees, out of school youth at children and youth with special needs sa mga maaaring lumahok sa maagang pagpaparehistro.
Cotabateños nakiisa sa Early Registration ng DEPED
Facebook Comments