Pumangalawa ang Cotabato City sa pinakaligtas na lungsod sa buong bansa ayon sa isinagawang research ng Philippine National Police Crime Research and Analysis Center para sa unang quarter ng 2018.
Nanguna ang Ormoc City na mayroong 134 recorded crime incidents. Sumunod naman ang Cotabato City na may 220 crime incidents at ang Puerto Prinsesa City na may 227 crime incidents.
Ayon kay Police Senior Supt. Noel Sandoval, hepe ng PNP Crime Research and Analysis Center ay naniniwala siyang isa sa mga kadahilanan na nag-aambag sa mababang rate ng krimen sa nasabing lugar ay ang aktibong paglahok ng pulisya at residente sa loob ng komunidad.
Pinapasalamatan naman ng alkalde ng lungsod ng Cotabato na si Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ang lahat ng mga tumulong upang maging mapayapa ang lungsod. *– (Lesha Joy Maquilan, ABCOM STI COTABATO)*
*GOOGLE PIC*