Court Administrator Marquez ,sumalang sa public interview ng JBC para sa mababakanteng pwesto sa SC

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Judicial and Bar Council ang public interview sa 12 aplikante para sa babakantehing pwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Bienvenido Reyes na magreretiro sa July 6, 2017.

Unang sumalang sa JBC si Court Administrator at dating Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez.

Ilan sa mga isyu na natanong kay Marquez ay ang Martial Law declaration sa Mindanao, Marcos burial, Federalismo, pagbabanta ni House Speaker Alvarez na buwagin ang CA at ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si dating Senador Juan Ponce Enrile.


Ipinagmalaki naman ni Marquez ang kanyang pitong taong karanasan bilang Court Administrator.

Ilan pa sa mga aplikante sa posisyon na humarap sa JBC screening ang mga Court of Appeals Associate Justices na sina Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang, Stephen Cruz, Ramon Bato, Jose Reyes, Japar Dimaampao, Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro Javier at Presiding Justice Andres Reyes Jr.

Interesado rin sa Supreme Court post sina Centro Escolar University Vice Dean Atty. Rita Linda Ventura Jimeno at Pasig RTC Judge Rowena Apao-Adlawan.

Isusumite naman sa Malakanyang ng JBC ang shortlist para sa mga pagpipilian sa mababakanteng pwesto ni Justice Reyes.

Ang sinumang mapipili na susunod na Associate Justice ay ang magiging ikatlong appointee ni Pangulong Duterte.

Mayroong 90 araw ang Pangulo mula nang mabakante ang pwesto sa Korte Suprema para maghirang ng bagong mahistrado sa Kataastaasang Hukuman.
n

Facebook Comments