Court of Appeals at Court of Tax Appeals, may mga bagong mahistrado

Natanggap na ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang liham na nagtatalaga sa dalawang bagong mahistrado sa Court of Appeals at Court of Tax Appeals.

Kabilang sa mga nahirang sina Alfonso Carbonel Ruiz II bilang Associate Justice kapalit ni Court of Appeals ni Justice Mario Lopez na naitalaga na sa Korte Suprema.

Habang nahirang bilang Associate Justice sa Court of Tax Appeals si Marian Ivy Ferrer Reyes-Fajardo kapalit nang nagretirong si Esperanza Fabon-Victorino.


Ang bagong CA Associate Justice Ruiz ay dating hukom sa Quezon City Regional Trial Court.

Si Associate Justice Reyes-Fajardo naman ng CTA ay Associate Dean ng College of Law ng Philippine Christian University at propesor sa iba’t ibang law school.

Facebook Comments