COVD-19 response ng Duterte Administration, “excellent” – Panelo

‘Excellent’ ang performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang mabilis na aksyon ni Pangulong Duterte sa krisis ay nagawang ma-flat o mapatag ang infection curve.

Nagawa rin aniya ng pamahalaan na makontrol ang community transmission.


Para kay Panelo, wala siyang nakikitang pagkukulang ang gobyerno sa pagtugon sa pandemya.

Bagama’t, marami pa rin ang nangangamba at nababahala sa COVID-19, tiniyak ni Panelo na ginagawa ng gobyerno ang lahat para maibsan ang impact ng public health emergency.

Facebook Comments