Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa kabuuang 210 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Batay sa tala ng DOH-RESU, nadagdag sa bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus ang 23 katao habang dalawa (2) naman ang nakarekober sa naturang sakit na sina CV857, isang 28-anyos na babae mula sa Brgy. Darubba at CV874, 43-anyos na lalaki mula sa Brgy. Aurora na kapwa residente ng bayan ng Quezon sa lalawigan.
Kabilang din ang dalawang lalaking health care worker na nagpositibo sa sakit na isang 27-anyos at 33-anyos.
Samantala, nananatili naman sa 10 katao ang death case ng probinsya.
Matatandaang nakalagay na sa kategoryang community transmission ang bayan ng Solano kung saan marami ang naitalang nagpositibo sa sakit dahilan ng hindi matukoy ang pinagmulan ng pagkahawa sa sakit.