Cauayan City, Isabela- Pito (7) nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan ng mga health authorities sa buong Isabela base sa pinakahuling datos ngayong araw, Abril 11,2022.
Kabilang ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Aurora, Benito Soliven, Cauayan City, Reina Mercedes, San Mariano at dalawang kaso naman sa Alicia.
Dahil dito, umabot na sa 69,020 ang total cumulative cases at 66,759 ang recoveries habang naitala naman ang 2,256 na COVID related deaths.
Samantala, nadagdagan ng isang (1) pasyenteng nakarekober mula sa sakit at wala namang naitalang panibagong tinamaan.
Nananatili nalang sa anim (6) bayan mula sa 31 ang mayroong aktibong kaso sa kasalukuyan.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments