COVID-19 beds sa MPIC hospitals, dadagdagan

Tiniyak ng negosyanteng si Manny Pangilinan na itataas ang COVID-19 bed allocation sa mga ospital sa ilalim ng Metro Pacific Holdings Inc. ng hanggang 30%.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagsundo si Pangilinan kina Health Secretary Francisco Duque III at Treatment Czar, Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Sinabi ni Vergeire na nangako si Pangilinan na magtatayo ng 250-bed COVID-19 hospital sa East Avenue Medical Center, kumpleto ng hospital at ICU beds maging mechanical ventilators.


Mahalaga aniya ang suporta at kolaborasyon ng pamahalaan at pribadong sektor para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), 76,444 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 24,502 ang gumaling at 1,879 ang namatay.

Facebook Comments