Bahagyang bumagal ang COVID-19 infection sa Pilipinas sa nagdaang linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang national two-week case growth rate ay bumagsak sa -15% mula 11% sa makalipas na ilang linggo.
Ibig sabihin, kahit dumadami aniya ang kaso ay nakikita na rin ang pagbaba nito.
Inaasahan naman ni OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye na bababa sa 2,000 cases ang COVID-19 araw-araw sa Metro Manila kung mananatili ang reproduction number sa mas mababa sa 0.8.
Kasalukuyang nasa 0.83 ang reproduction number ng Metro Manila.
Facebook Comments