Mula May 1 hanggang May 7, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,465 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 1,352.
Ito ay mas mataas ng 112% kumpara sa mga kaso noong Abril 24 hanggang April 30.
Sa mga bagong kaso, 50 sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na kalagayan.
Siyam naman na COVID-19 patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.
Facebook Comments