COVID-19 cases sa Cebu, bumababa na ayon sa DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagkakaroon na ng pagbaba sa mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na base sa mga report ng National Task Force at ng regional office ng DOH, talagang mayroon nang nakikitang pagbaba ng kaso sa Cebu.

Gayunman, sinabi ni Vegeire na hindi pa nila masasabi sa ngayon kung nagkakaroon na talaga ng flattening of the curve sa Cebu City o sa buong lalawigan ng Cebu.


Ang malinaw aniya sa ngayon ay nagiging maganda ang resulta ng implementasyon ng community quarantine sa probinsya.

Sa kabila nito, mahigpit pa rin aniyang binabantayan ng DOH ang Cebu.

Facebook Comments