Ilang lugar sa Rizal mawawalan ng tubig dahil sa maintenance activities ng Manila Water

Inanunsiyo ngayon ng Manila Water na dalawampu’t limang (25) barangay sa lalawigan ng Rizal ang mawawalan ng supply ng tubig simula sa July 22 ng gabi hanggang 23, 2020 ng umaga.

Base sa abiso ng Manila Water, itutuloy na nito ang maintenance activities sa Siruna Pumping Station sa Brgy. Mambugan, Antipolo City ngayong linggo.

Dahil dito, magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig sa Brgy. Bagong Nayon, ilang lugar sa Mayamot, Cupang, Mambugan, Dalig, Brgy. Dela Paz, Sta. Cruz, ilang lugar sa San Isidro, San Roque, San Luis, San Jose sa Antipolo City.


Kasama ring mawawalan ng supply ng tubig ang mga Brgy. Poblacion, San Gabriel, May-Iba, Dulumbayan,Calumpang, Sto. Cristo, Prinza, Bagumbayan, Dalig, San Roque sa Barangay ng Teresa, Rizal, Guillermo sa Morong, Rizal, Dolores sa Taytay, Mahabang Parang sa Angono, at Brgy. Palangoy sa Binangonan, Rizal.

Pinayuhan ng Manila Water ang publiko sa mga nabanggit na barangay na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang pangangailangan sa panahon ng interruption period.

Facebook Comments