COVID-19 cases sa CVMC Hospital sa Cagayan, Patuloy na Tumataas; COVID Ward, Full Capacity na

Cauayan City, Isabela- Inanunsyo ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) chief Dr. Glenn Mathew Baggao sa kanyang social media post na naabot na ang full capacity ng COVID-19 ward sa pagamutan dahil sa dumaraming kaso ng mga tinamaan ng virus.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 213 na kabuuang bilang ng pasyenteng naka-admit sa kanilang ospital kung saan 174 dito positibo sa sakit habang ang 39 ay nananatiling suspected cases.

Mula sa naturang bilang, 159 ang mula sa Cagayan, pito sa Isabela, isa sa Quirino Province at anim ang nagmula naman sa Kalinga.

Nag-iwan rin ng mensahe si Baggao kung saan sinabi nitong mag-ingat ang magigiting na CVMC frontliners.

Samantala, mahigit kumulang 2,000 na ang aktibong kaso sa buong probinsya ng Cagayan batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office.

Facebook Comments