Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, ang Provincial Information Officer, downtrend naman ang mga bagong kaso na naitatala kada araw simula ng sumipa ang mataas na bilang ng tinamaan ng virus noong January 24 kung saan nakapagtala ng 410 na kaso.
Sa mga nakalipas na araw aniya ay nagpatuloy na sa pagbaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 hanggang sa maitala ang 124 na bilang nalang aktibong kaso nitong huling araw sa buwan ng Enero.
Batay sa datos ng Provincial Government ngayong araw, Pebrero 2, 2022 ay nakapagtala na lamang ng 103 na bagong kaso ng tinamaan ng virus kung saan nasa 1,626 ang aktibong kaso sa buong lalawigan.
Samantala, mataas naman ang bilang ng mga nakarekober sa sakit na umabot sa 235 habang isa ang bagong nasawi.
Hinimok pa rin ng opisyal ang publiko na sundin ang minimum public health standards sa pag-iwas sa COVID-19.