COVID-19 cases sa lungsod ng Pasig, nasa mahigit 7,000 na

40

Pumalo na sa 7,897 ang kabuuang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa lungsod ng Pasig.

Ito ay batay sa tala ng health department ng lungsod ngayong umaga.


Mula sa nasabing bilang, 7,315 dito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 336 naman ay mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Ang natitirang 246 na bilang ay active cases sa lungsod na patuloy na binibigyan ng tulog medikal habang nananatili sa quarantine facility ng Pasig.

Hinikayat naman ng pamahalaang lungsod ang mga residente nito na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa banta ng virus.

Facebook Comments