Umakyat na sa 28,103 ang kabuuang bilang ng confirmed at validated cases ng COVID-19 sa Quezon City.
Nadagdagan ito ng 727 na kaso mula sa naitala noong araw ng Pasko.
Batay sa December 31 na datos ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit, sa nasabing bilang, 1,213 ang active cases.
Nadagdagan naman ng 565 ang bilang ng mga gumaling sa sakit para sa kabuuang 26,129 recoveries.
Lima ang nadagdag sa mga pumanaw na umabot na sa 761 ang bilang.
Dahil sa bahagyang pagtaas ng bilang ng kaso sa lungsod, muling nanawagan ang city government sa publiko na sundin ang health protocols.
Isang paraan ito upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa komunidad at kaligtasan sa kalusugan ng bawat isa patikular ng pamilya, kaibigan at mahal sa buhay.
Facebook Comments