Pumalo na sa 13,331 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City matapos madagdagan ng 351 ang mga nagkasakit.
Base sa tala ng QC Health Department, nasa 2,652 pa ang active cases ng COVID-19.
Umakyat na sa 10,293 ang mga pasyenteng gumaling sa nakamamatay na COVID-19.
Ito’y matapos madagdagan pa ng 153 na bagong nakarekober mula sa mga pasyenteng naka confined sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod.
Nadagdagan pa ng apat ang mga namatay sa sakit para sa kabuuang bilang na 446.
Nasa apat na lang ang mga lugar sa ilang barangay ang nasa ilalim pa ng special concern lockdown na kinabibilangan ng:
• 55 Serrano Laktaw, sa Doña Aurora
• 11 Ilaw St. sa Paltok
• 1A Madelaine St. sa Apolonio Samson
• bahagi ng Christine St. sa Apolonio Samson
Lumuwag na rin sa mga COVID patients ang Novaliches District Hospital kung saan mayroon na lamang itong 22 na pasyente at 62 naman sa Quezon City General Hospital.