US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, hindi na dadaan sa deportation process ayon sa DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi na dadaan sa deportation process si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa paglabas nito ng bansa.

Ito ay matapos pagkalooban ng absolute pardon ng Pangulong Rodrigo Duterte si Pemberton.

Ayon kay Sec. Guevarra, ang kailangan lamang ay bawiin ng korte ang inisyu nitong hold departure order laban kay Pemberton kung meron man.


Kinumpirma rin ng kalihim na kinonsulta siya ng pangulo bago ito nagdesisyon na bigyan ng absolute pardon si Pemberton.

Aniya, sinabi niya sa pangulo na exclusive prerogative ng presidente sa ilalim ng constitution ang pagbibigay ng absolute pardon sa sino mang convicted na bilanggo.

Facebook Comments