Hinimok ng OCTA Research Group ang pamahalaan na isama sa prayoridad na mabakunahan ang COVID-19 high risk areas at hotspots.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, bagama’t nauna na nilang isinulong na i-prayoridad ang NCR Plus sa vaccination, hindi naman dapat kalimutan ang mga high risk areas at hotspots.
Aniya, nagpasya ang gobyerno na i-prayoridad muna ang pagbabakuna sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, Laguna, Pampanga, Metro Cebu, at Metro Davao.
Una nang tinukoy ng OCTA ang ilang areas of concern dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kabilang ang Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato, Davao, Bacolod, Iloilo, Dumaguete at Tuguegarao.
Facebook Comments