Aabot sa 168 mga aktibong COVID-19 patients mula sa iba’t ibang barangay sa Pasay at kanilang pamilya ang tumanggap ng masustansiyang food packs mula sa lokal na pamahalaan.
Naglalaman ito ng; 1 pack ng manok, 4 na kilong bigas, itlog, kape, mga prutas, gulay at ready-to-eat food.
Ito ay tulong ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga COVID-19 patients sa lungsod.
Sa naturang programa, ninanais ni Mayor Emi Calixto – Rubiano at ng mga bumubuo ng pamahalaan ng Lungsod ng Pasay ang paggaling ng mga pasyente at ang kaligtasan ng bawat isa.
Kaugnay nito ay hiniling Pasay LGU ang kooperasyon ng lahat upang bumaba na muli ang COVID cases sa lungsod.
Facebook Comments