COVID-19 positive sa Marikina, pumalo na sa 49!

52

Nasa 49 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina City kung saan 6 na ang naka-recover o gumaling at 11 ang nasawi.

Base sa impormasyon mula sa Marikina City Health Office, kabilang sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 ay ang IVC, Barangka, Tañong, San Roque, Kalumpang, Malanday, Tumana, Parang, Nangka, Concepcion Dos, Concepcion Uno, Marikina Heights at Fortune.


Ang Persons Under Investigation (PUI) naman sa Marikina ay nasa 17 habang 84 naman ang Persons Under Monitoring (PUM).

Dahil dito ay hinihingi ng Marikina City Government ang kooperasyon ng mamamayan para mapuksa ang COVID-19.

Hiling ng lokal na pamahlaan sa publiko gawin ang dapat tulad ng pananatili sa loob ng bahay, social distancing, pagiging malinis sa lahat ng pagkakataon at palagiang pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments