COVID-19 positivity rate ng NCR, bumaba sa 10% — OCTA

Bumaba ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 10% na lamang ang positivity rate sa Metro Manila nitong Oktubre 29, mula sa dating 12.3% noong Oktubre 22.

Bukod dito, bumaba rin ang positivity rate sa Aklan, Bataan, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Davao del Sur, La Union, Laguna, Pampanga, Pangasinan, Rizal, South Cotabato, Tarlac, at Zambales.


Pero sa kabila nito, inihayag ng OCTA na umakyat ang positivity rate sa anim na lugar sa bansa, partikular sa Benguet, Cebu, Iloilo, Isabela, Misamis Oriental at Negros Occidental, mula Oktubre 22 hanggang 29.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng 1,370 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, Oktubre 30.

Facebook Comments