COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba pa sa 13.1 percent – OCTA

Patuloy ang pagbaba ng seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa isang tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, sinabi nito na bumaba ang positivity rate ng NCR sa 13.1 percent nitong December 20 mula sa 14.5 percent noong December 13.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na sinuri.


Samantala, sinabi rin ni Guido na bumaba rin sa 0.91 percent ang reproduction number sa NCR.

Facebook Comments