Kampo ni BuCor Chief Bantag, makikipagtulungan sa kampo ni BuCor Deputy Security Officer Zulueta hinggil sa Percy Lapid slay case

Makikipagtulungan ang kampo ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief General Gerald Bantag sa kampo ni BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta hinggil sa Percy Lapid slay case.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Rocky Balisong, abogado ni Bantag na sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa kampo ni Zulueta.

Nahaharap kasi sina Bantag at Zulueta sa kasong murder dahil sa umano’y pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Percy Lapid at sa middleman na si Jun Villamor.


Samantala, una na rin sinabi ni Atty. Lauro Gacayan, abogado naman ni Zulueta na inihahanda na ng kaniyang kliyente ang tugon nito sa reklamo.

Facebook Comments