P20 milyong halaga ng mga smuggled na sibuyas, nasabat ng BOC sa Misamis Oriental

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang P20 milyong halaga ng mga smuggled na sibuyas sa Mindanao Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa BOC, ang mga naturang smuggled na sibuyas ay naka-consign sa Asterzenmed Inc.


Pero, nakadeklara ito na naglalaman ng tinapay at pastry.

Samantala, sinabi pa ng ahensya na 50,000 kilo ng sibuyas mula sa China ang dumating sa Cagayan de Oro City noong Disyembre 6, 2022.

Facebook Comments