COVID-19 positivity rate sa NCR, umakyat na sa 14.5%

Umakyat na sa 14.5% ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR) simula noong Hulyo 27.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tumaas pa ang positivity rate ng COVID-19 sa NCR, mula sa dating bilang nito na 14.2% noong Hulyo 23.

Dagdag pa ni David na nasa 7.80 na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng rehiyon, habang ang reproduction number naman ay 1.28 simula noong Hulyo 28, at 31.7% na Healthcare Utilization Rate (HCUR) ng NCR simula noong Hulyo 24.


Samantala, nakapagtala naman ng 3,858 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) kahapon, kung kaya’t ang aktibong kaso ay pumalo na sa 29,897.

Facebook Comments