7 distressed Filipino mula Bahrain, nakauwi na ng Pilipinas

51

7 pang distressed Filipino mula Bahrain ang napauwi sa nagpapatuloy na Repatriation Program ng Philippine Embassy sa Manama.

Kabilang dito ang 2 menor de edad na anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Pagdating naman ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sinalubong ang repatriates ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Ilan pang distressed Pinoys doon ang pinoproseso na rin ng embahada ang exit visa.

Facebook Comments