COVID-19 restriction sa Ireland, aalisin na sa Oktubre!

Tuluyan nang aalisin ang COVID-19 restrictions sa Ireland sa Oktubre matapos ang matagumpay nilang vaccine rollout.

Ayon kay Irish Prime Minister Micheal Martin, magsisimula na ang unti-unting pagluwag sa mga protocol kabilang na sa pagsasagawa ng indoor at outdoor events.

Magbubukas na rin ang mga sinehan na mayroong 60% capacity simula sa susunod na linggo.


Sa ngayon ay aabot sa 90% ng mga mamamayan sa Ireland ang fully vaccinated na habang 80% naman para sa mga nasa edad 12 pataas.

Facebook Comments