Miss International 2021, muling kinansela dahil sa COVID-19

Muling kinansela ang Miss International 2021 pageant sa Tokyo, Japan.

Ayon kay International Cultural Association Chairperson Akemi Shimomura, itutuloy na lamang ang 60th edition ng pageant sa 2022 dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Aniya, kasama sa konsiderasyon nila ang kaligtasan at kalusugan ng mga kandidata.


Si Hannah Arnold ng Masbate ang magiging pambato ng Pilipinas sa pageant.

Kasalukuyan namang hawak ni Sireethorn Leearamwat ng Thailand ang Miss International crown.

Facebook Comments