Maaari nang ideklara na nakontrol na ng bansa ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, ang basehan kasi dito ay yung incubation period o iyong life cycle ng virus na 2 linggo.
Paliwanag pa nito, sa ngayon nananatili sa 2.8% ang positivity rate ng bansa.
Aniya magdadalawang linggo na, na mababa sa 5% ang ating positivity rate.
Base sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) kapag ang positivity rate ay 5% o higit pa rin maituturing itong continued transmission pero sa kaso ng Pilipinas na magdadalawang Linggo na ay mababa parin sa 5% ang positivity rate ay maaari na itong sabihing controlled dahil wala ng masyadong bagong kaso ng COVID-19.
Habang kapag mag-dadalawang linggo na, na 0 cases ay maaari naman ng ideklara bilang COVID free ang isang lugar.
Kasunod nito, nilinaw ni Dr. Herbosa na hindi pa tuluyang eliminated ang COVID-19.
Aniya pwede pa ring magkaroon ng resurgence dahil nandoon pa rin sa test positivity rate na above zero.
Kung kaya’t pinapayuhan ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang minimum public health protocols at magpabakuna.