Naniniwala ang Philippine Red Cross (PRC) na ang COVID-19 saliva test ay parehas lamang ang accuracy sa swab testing.
Ayon kay PRC Saliva Test Lead Researcher Michael Tee, halos walang pinagkaiba ang saliva testing sa swab test dahil ito ay 98.23% accurate.
Dagdag pa niya, higit 1,000 samples ang ginamit sa pilot study para malaman ang accuracy ng saliva test.
Sinabi ni PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, ang saliva test ay maaaring ma-avail sa pamamagitan ng online booking sa PRC Website.
Ang turnaround time ng saliva test ay nasa tatlo hanggang 11 oras depende sa sinusuring sample.
Ang saliva test ay nagkakahalaga ng 2,000 pesos, pero posible pang bumaba ang halaga nito kapag maraming tao ang nagpa-test.
Facebook Comments