COVID-19 vaccination sa ECQ areas, tuloy pa rin – DOH

Magpapatuloy pa rin ang COVID-19 vaccination efforts sa Greater Manila Area sa harap ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, hindi ititigil ang pagpapabakuna kahit umiiral ang mahigpit na quarantine.

Mayorya ng 400,000 doses ng Sinovac vaccines na dumating sa Pilipinas noong March 24 ay naipamahagi na sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ para agad maprotektahan ang mga healthcare workers


Ang 75% ng isang milyong doses ng AstraZeneca vaccines ay ilalaan din sa NCR+ bubble.

Ang 1,125,000 doses ng COVID-19 vaccines na unang dumating sa bansa ay naipadala na isa iba’t ibang vaccination sites sa buong bansa.

Facebook Comments