Sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa libu-libong volunteer at staff ng Tokyo Olympics na gaganapin sa Japan sa Hulyo 23.
Ayon sa International Olympic Committee (IOC), aabot sa 40,000 dose ng Pfizer-BioNTech ang ibabahagi sa mga airport staff, referee at local media ng Olympics.
Mula sa 177,000 na indibidwal na planong bakunahan, ibinaba na lamang ito sa 53,000 upang masakop ng IOC ang pagbabakuna sa mga dadalo sa Olympics.
Nabatid na ang nasabing supply ng bakuna ay iba pa sa ginagamit ng Japan sa kanilang vaccine rollout.
Facebook Comments