COVID-19 vaccine booster shot, napag-alamang mas nakakababa ng infection risk ayon sa Israel

Mas nakakababa ng infection risk ang COVID-19 booster shot ayon sa pagsasaliksik sa Israel.

Ayon sa Israel Health Ministry, napag-alamang mas nakakatulong ang booster shot sa pagpapataas ng proteksyo ng mga indibidwal na nasa edad 60 pataas kumpara sa mga na nakatanggap lamang ng dalawang dose bakuna kontra COVID-19.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng magkahiwalay na pagsasaliksik ng Israel’s Maccabi healthcare provider na isa sa mga organisasyon na nangangasiwa ng booster shot upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.


Matatandaang una nang sinimulan ng Israel sa pagbabakuna ng booster shots sa mga edad 60 pataas nitong Hulyo 30 habang ibinaba naman sa mga edad 40 kabilang na ang mga buntis, guro at healthcare workers.

Facebook Comments