COVID-19 vaccine substitution list, para lamang sa health workers – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na tanging healthcare workers lamang dapat ang kasama sa quick substitution list dahil sila ang prayoridad ngayon sa COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga kasama sa listahan ay dapat healthcare workers at iba pang frontliners na direktang nakakasalamuha ang COVID-19 patients.

Bago pa man simula ang immunization program, inatasan na ng DOH ang mga vaccination sites na maghanda ng listahan sakaling tumanggi ang beneficiary na magpabakuna o hindi sumipot sa kanyang vaccination schedule.


Ang national government ang magbibigay ng go signal kung ang mga vaccination sites ay maaari nang magpabakuna ng susunod na sektor pagkatapos ng healthcare workers.

Facebook Comments