Nakita ng Department of Health (DOH) na ang case doubling time sa bansa ay nasa 2.2 kada araw.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibig sabihin nito ay dumodoble ang kaso ng COVID-19 sa bansa kada dalawang araw.
Anya, lumalabas sa projections na maaaring lima hanggang anim na beses na nakakahwa ang Omicron variant.
“Doon po sa initial projections na pinapakita sa ngayon, although hindi pa ho ito kumpleto ‘no, these are initial estimates. Naipakita po doon sa projections na iyon na maaaring five to six times more transmissible ito pong Omicron variant na ito ito kung saan nakikita po natin ang case doubling time natin ngayon is 2.2 days. Ibig sabihin every two days, nakikita po natin nagdudoble ang mga numero ng kaso,” ani Vergeire
Iginiit naman ni Vergeire na kung ang lahat ay magtutulungan ay nandyan ang posibilidad na mapigilan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.