Supply ng paracetamol at iba pang flu medicines, nagbabalik normal ngayong weekend – DTI

143

Tiniyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na balik normal na ngayong weekend ang supply ng paracetamol at iba pang flu medicines sa mga botika.

Ayon kay Lopez, nitong Miyerkules, Enero 5 pa nagsimula ang mga manufacturer na magdeliver ng suplay ng paracetamol at iba pang anti-flu pills.

Dahil sa pagtaas ng demand pagkatapos ng Bagong Taon, sinabi ni Lopez na umorder ang mga botika ng tatlong beses na higit pa sa kanilang mga karaniwang order ng mga gamot.


Nilinaw rin ni Lopez na walang shortage sa supply ng paracetamol at ibang anti-flu pills at mayroong sapat na produksyon ang mga manufacturer.

Facebook Comments