COVID cases sa bansa, halos 317,000 na; DFA, nakapagtala lamang ng tatlong Pinoy na bagong na-infect ng virus

Umaabot na sa 316,678 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 2,611 na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 56,445 ang active cases.


416 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 254,617.

56 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ngayon ay 5,616.

Samantala, 3 lamang ang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Bunga nito, ang total cases na ay 10,544 at ang active cases ay 3,002 na lamang.

Ito ay matapos na may apat na Pinoy na gumaling sa COVID sa ibayong dagat.

Ang total recoveries na ngayon ay 6,749.

Habang wala namang Pinoy na binawian ng buhay ngayon sa abroad kaya ang total fatalities ay nananatili sa 793.

Facebook Comments