Cauayan City,Isabela- Inanunsyo ng pamunuan ng Quirino Province Medical Center na naabot na nila ang ‘full capacity’ ng COVID isolation, ward at emergency tents bed.
Ito ay sa harap ng mga dumaraming kaso ng mga positibo sa COVID-19 virus.
Sa kabila nito, pansamantala silang hindi tumatanggap ng walk-in admission.
Samantala, patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga tinatamaan ng virus sa lalawigan kung saan nasa 480 ang aktibong kaso sa Quirino.
May pinakamataas pa rin na bilang ang bayan ng Diffun (178); Maddela (105); Cabarroguis (95), Aglipay (42), Saguday (38) at Nagtipunan (22).
Tiniyak naman ng provincial government ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Quirinian.
Facebook Comments