COVID positivity rate sa NCR, posible pang umakyat sa 25% ayon sa OCTA

Pinangangambahan ng OCTA Research Group na sumipa pa sa 25% ang maitalang weekly COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of May 2 ay umakyat pa sa 19.7% ang 7-day testing positivity rate sa NCR mula sa 12.7% noong April 25.


Paliwanag pa ni David, bukod dito naitala rin ng OCTA ang bahagyang pagtaas na rin sa NCR hospital occupancy sa 24.7% nitong May 2, mula sa 22.5% noong nakaraang linggo.

Patuloy namang pinaalalahanan ng OCTA Research team ang publiko, bagama’t hindi na gaanong mahigpit sa Health Protocols ay mainam pa ring protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments